Mahaharap sa mabigat na parusa ang mga magulang o non custodial parent na ayaw magbigay suporta para sa kanilang anak.
Isinusulong ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza ang panukalang House Bill No. 44 or βAn Act Ensuring Child Support and Penalizing Parental Refusal or Neglect Thereof.β
Nakapaloob sa nasabing measure ang ‘harsh provision’ o mahaharap sa criminal liability ang mga magulang na tumatangging magbigay suporta o sustento sa kaniyang anak sa sandaling maging ganap na batas ang panukala.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Welfare of Children sa pangunguna ni Rep. Angelica Natasha Co, sinabi ni Daza na sa kaniyang version nilagyan na ng mabigat na provision gaya ng pagkakakulong.
Punto ng beteranong mambabatas ang nasabing sanctions ay para magkaroon ng ngipin sa mandato ng child welfare and protection lalo na duon sa mga non custodial parent para ma-obliga sila magbigay ng child support.
Sinang-ayunan naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Bureau Director Miramel Garcia-Laxa, ang naging sentimiyento ni Daza.
Batay sa datos ng DSWD nasa 280 child custody cases ang inilalapit sa kanila nuong 2022.
Ang PNP naman ay nakapagtala ng 3,684 cases of economic violence mula nuong 2018 hanggang 2023 kabilang dito ang child support negligence sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9262.
Sa panukala ni Cong. Daza kaniyang ipinanukala ang ang P6,000.00 montly child support.
Kapag ang non-custodial parent hindi nakapag bigay ng sustento matapos ang dalawang buwan mahaharap na ito sa kaparusahan at posibleng makulong ng apat na taon at may penalty na nagkakahalaga ng P300,000.00.
βWhile keeping our children protected and nourished is the objective, the happiest outcome we could arrive at is keeping more families together,β pahayag ni Daza.