Sinang-ayunan ng National Telecommunications Commussion (NTC) ang inihaing panukala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon para sa non-expiration ng legislative franchise basta’t ang aplikasyon ay naihain na at nakabinbin sa Kongreso.
Ginawa ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa pagdinig Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa Senate Bill No. 1530 ni Drilon na nalalayong amiyendahan ang Section 18, Book VII, Chapter 3 ng Revised Administrative Code of the Philippines patungkol sa non-expiration ng mga lisensiya at prangkisa na inisyu ng executive branch.
Ayon kay Corbdoba, makakatulong ang panukala para ma-fix ang gap ng Republic Act 3846 o Radio Control Law na nagsasabing ang public utility partikular ang broadcasting company ay hindi puwedeng payagang makapag-operate ng walang legislative franchise.
“Meron po tayong Republic Act No. 3846 na nagsasabi na kailangan po ng franchise for a public utility to operate. With this amendment, as proposed by Senator Drilon, malaking bagay po ito to fix the gap in the law,” paliwanag ni Cordoba.
Inihalimbawa ni Cordoba ang kaso ng ABS-CBN kung saan naisyuhan ng cease-and-desist order (CDO) ng NTC matapos magpaso ang kanilang congressional franchise ng network noong Mayo 4.
Tugon pa ni Cordoba sa tanong ni Drilon, sinabi nitong ang kapangyarihan ng NTC na mag-isyu ng administrative license ay base sa kasalukuyang batas sa prangkisa, ang RA 3846.
“If there is no legislative franchise, then we cannot let the operations of a public utility,” punto ni Cordoba.
“RA 3846 provides that no person, firm, company or corporation shall construct, install, establish and operate a radio transmitting station or a radio receiving station used for commercial purposes without having first obtained a franchise from the Congress of the Philippines,” dagdag pa nito.
Samantala, nilinaw din ni Cordoba sa pagdinig na hindi nag-isyu ang NTC na provisional license sa sa sinumang broadcaster habang kakabinbin sa Kongreso ang kanilang franchise bill.
“What happened is we allowed them to continue operating,” sabi ni Cordoba, kasabay ng paglilinaw na ang kaso ng ABS-CBN ay iba dahil nahaharap ito sa quo warranto case na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema.
“In the case of ABS-CBN, a case for quo warranto was actually filed by the OSG, kaya po naging untenable on our part to not let it continue to operate because of the clear letter of the law, RA 3846, and as interpreted and decided by the Supreme Court in the ACWS case,” ayon kay Cordoba.
Ang tinutukoy nito ay ang 2003 ruling ng Korte Suprema sa kaso ng Associated Communications & Wireless Services vs NTC, na nagsasabing kailangan may existing license bago mag-operate ang isang korporasyon.
Sabi pa ni Cordoba, hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas sila ng CDO sa mga broadcasting firm, patunay na hindi nila sini-single out ang ABS-CBN.
Aniya, nakapag-isyu na ang regulatory body ng CDO laban sa ilang radio station na nag-operate ng walang permit noong 2016 at 2019 election campaigns.