-- Advertisements --

ILOILO CITY – Gaganapin na ngayong araw ang isa na namang yugto ng Dugong Bombo 2020.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng local government unit (LGU) ng Oton, Iloilo at ang Philippine Red Cross.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Japhet Salinas, Coronavirus Disease (COVID) focal person sa nasabing bayan, sinabi nito na isasagawa ang bloodletting activity sa Barangay Poblacion South.

Pangungunahan ito ng mga blood galloners na kinabibilangan ng mga opisyal ng LGU at mga miyembro ng pribadong sektor.

Nanawagan ito sa publiko na suportahan ang bloodletting activity lalo nat lubos kinakailangan ang dugo sa gitna ng COVID pandemic.

Tiniyak naman ni Salinas na ipapatupad ang lahat ng protocol at ang mahigpit na proseso upang masiguro na ligtas sa COVID-19 ang blood donors.