-- Advertisements --
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na itutuloy ang paglilinis sa mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan sa pagpasok ng taong 2021.
Ayon sa pangulo, asahan sa susunod na taon ang panibagong round ng sibakan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), dahil marami pang tauhan ng ahensya ang natukoy na sangkot sa katiwalian.
Inaasahang mangyayari ito sa unang bahagi ng 2021, kapag nakompleto na ang mga kinakailangang dokumento at imbestigasyon ng binuong lupon.
Una rito, tinukoy ng Pangulo na umabot na sa 72 tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang kaniyang tinanggal sa puwesto matapos madawit sa kurapsyon.
Habang 62 officers naman ng Bureau of Immigration (BI) ang inalis dahil sa hiwalay na mga usapin.















