-- Advertisements --
Paghandaan na umano ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo para sa susunod na linggo.
Ayon sa oil indutry sources, magkakaroon ng P2 hanggang P3 na tapyas sa halaga ng kada litro ng diesel.
Pero may pagtaas naman ng P3.50 hanggang P4.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang ang kerosene ay maaaring manatili lamang sa kasalukuyang presyuhan.
Ayon sa Department of Energy (DOE), pagtataya ito na ibinatay sa apat na araw na trading sa linggong ito.
Gayunman, maaari pa ring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang eksaktong price adjustment ng mga kompaniya ng langis.