-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa kanilang mga produkto.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.95 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroo bawas naman na P1.10 sa kada litro ng kerosene.

Tanging ang gasolina lamang ang mayroong dagdag na P0.55 sa kada litro.

Isa sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy ay ang market speculation kasunod ng missile launch sa pagitan ng Israel at Iran.