-- Advertisements --
COVID test quirino mass testing
Quirino Grandstand COVID-19 drive thru testing center

Bago pa man magtanghali nitong araw, agad na tinapos ang mass testing sa COVID-19 drive thru testing center sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Maynila.

Ngayong araw ay pinasinayaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pangalawang mass testing center para sa libreng COVID test.

Sinasabing maaga pa kanina ay marami na ang pumila na mga sasakyan para magpakuha ng blood samples.

Bago maabot ang quota nitong araw mahigit na sa 400 na mga sasakyan ang nag-aantay sa pila.

Muli namang tiniyak ni Mayor Isko na kahit hindi taga-Maynila ay libre ang drive thru testing at open ito hindi lamang sa mga naka-private cars kundi maging ang naka-tricycles, pedicabs, motorcycles at bikes.

Gumawa na rin ng mga lanes sa lugar para maihiwalay ang mga naka-bike lamang doon sa mga nakakotse.

Ang unang drive thru testing site na nasa Andres Bonifacio Monument malapit sa city hall ay nagbukas noong Miyerkules.

Napansin ng Bombo Radyo na ang iba sa mga pumila ay dumayo pa dahil kailangan daw nila ang resulta sa kanilang trabaho.

Isang nagngangalang Leo ang pumila na naka-bike lamang ang nagsabi na dalawang linggo na siyang hindi nakakapasok sa trabaho dahil kailangan niya ng certification na negatibo siya sa coronavirus.

Ang dalawang drive thru testing sites ay nagseserbisyo mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Sa loob umano ng 24 oras ay makakatanggap na sila ng resulta sa COVID test.

mAYOR Isko Moreno Quirino COVID test
Manila Mayor Isko Moreno
COVID testing manila drive thru
Bonifacio Shrine, Manila COVID-19 drive thru testing center