-- Advertisements --

ROXAS CITY – Personal na binista ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lalawigan ng Capiz, sa araw ng Sabado de Gloria.

Ito din ang nanguna sa pamimigay ng food packs sa pamamamigtan ng DSWD.

Sa kanyang talumpati sa Barangay ng Poblacion Tacas, bayan ng Pontevedra, sinabi nito na walang malaking pondo ang gobyerno, ngunit pinangako nito na mabibigyan ng pondo ang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Agaton sa lalawigan.

Sinabi din ng pangulo na dapat bumaba na sa mga kabundukan ang mga miyembro ng rebeldeng grupo, at bibigyan niya ito ng kabuhayan.

Sa huli, inihayag ng pangulo na hinihiling at ipinapanalangin nito na mahigitan pa ng masunod na administrasyon ang kanyang nagawa para sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, pinangunahan din ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ceremony ng Capiz Multi-purpose Evacuation Center-Phase 1 sa Barangay Lawaan, lungsod ng Roxas.

Sinasabing ito ang pinakamalaking Evacuation/Convention Center sa buong Western Visayas.

Dumalo rin si Senator Christopher ‘Bong’ Go, si Capiz Governor Esteban ‘Nonoy’ Contreras, at iba pang national and local government officials, sa nasabing aktibidad.