Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang oathtaking ng mga miyembro ng kaniyang gabinete na na-reappoint.
Ginawa ito kaninang umaga sa Palasyo Malacañang.
Kabilang sa reappointed officials sina Manuel Bonoan as Secretary of the Department of Public Works and Highways; Renato Solidum Jr. as Secretary of the Department of Science and Technology; Erwin Tulfo as Secretary of the Department of Social Welfare and Development; Alfredo Pascual as Secretary of the Department of Trade and Industry; at Jaime Bautista as Secretary of the Department of Transportation.
kasama rin sa nanumpa ang bagong executive secretary na si dating Chief Justice Lucas Bersamin.
Una nang nangako ang Pangulo na pagkakasyahin nila ang anim na taon ng panunungkulan sa tulong ng mga napili niyang miyembro ng gabinete.
Kaya naniniwala umano siya sa magagawa ng mga ito para sa kani-kaniyang tanggapan.