Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tulong ng buong gobyerno para mapalakas na muli ang turismo, ngayong balik na sa normal ang mga byahe, sa domestic at international.
Nitong hapon, mismong si Pangulong Marcos ang panauhing pandangal sa Philippine Tourism Industry Convergence reception sa Pasay City.
Dumalo rin sa aktibidad sina Vice President Sara Duterte at Department of Tourism (DOT) Secretary Ma. Esparanza Christina Garcia Frasco.
Inaasahan ding maglalahad ng mga plano ang tourism industry sa pamamagitan ni Sec. Frasco.
Inaabangan din ang unity of toast para sa Philippine Tourism at Video presentation kung saan highlight ang Cebu bilang model for local tourism governance.
Una rito, ilang ulit binigyang diin ng Pangulo ang mabilis na pagbabalik ng sigla ng turismo sa bansa dahil laki ng share ng turismo sa Gross Domestic Product (GDP) na umaabot sa 5.4 percent.