-- Advertisements --
image 98

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisimula ng Agri, Food at Aqualink Exhibit 2022 ngayong umaga sa Pasay City.

Kasama ng Pangulo sa malaking food and agri exhibit sina Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Chairman ng Senate Committee on Agriculture Senator Cynthia Villar.

Idinaraos ang aktibidad sa World Trade Center, kung saan ay sisimulan ng Pangulo ang event sa pamamagitan ng ribbon cutting at ilan pang bahagi ng programa.

Ang Agri/ Food at Aqua LINK ay exhibition ay may 500 indoor at outdoor booths ang makikita na nagpapakita at nagpapamalas ng mga produkto ng ating mga mangingisda at magsasaka bagong kaalaman, teknolohiya, mga kagamitan at mga serbisyo na may kinalaman sa agri business.

Ang Exhibit sa taong ito ay inaasahang magsisilbing daan para sa mga bagong kaalaman bunsod ng gagawing paglulunsad ng iba’t-ibang aktibidad, kabilang ang 27th International Agribusiness Exhibition and seminars, 21st International Food Processing, Packaging and Product Exhibition; at 16th National Fisheries Exhibition and seminars.