-- Advertisements --
Mamamahagi ng pamasko sa mga indigenous peoples at street dwellers si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Luneta o Rizal Park sa Maynila ngayong araw.
Inaasahang makakasama rin ng Pangulo sina First Lady Liza Araneta-Marcos at ilang cabinet official sa event na gaganapin sa Open Ampitheater, Rizal Park.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), pangungunahan ng punong ePBBM ang ceremonial distribution ng food packs, hygiene kits, gift packs at iba pa.
Samantala, muling inanyayahan ni Pangulong Marcos ang publiko, lalo na ang mga taga-Metro Manila, na mag-simbang gabi sa Malacañang para masilayan din ang Christmas displays at matikman ang libreng specialty na “puto bongbong”.