Pinuri ni Pangulong Ferdinang Marcos Jr. Ang mga kompaniyang patuloy na nagsisikap gumawa ng innovations para sa makatulong sa ating ekonomiya kahit sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagdalo nito sa innovation festival sa San Pedro City, Laguna.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni presidente, na kung may magandang idinulot sa buhay ng mga tao ang pandemy, ito ay ang pagtuklas sa mga makabagong teknolohiya o digitalization.
Dahil aniya rito ay naging mas madali ang takbo ng buhay at mga aktibidad at pakikipag transaksyon sa pribado man o pampublikong sektor at sa mga negosyo.
Kaya naman sinabi ng pangulo na hindi dapat hayaang mapag-iwanan ang Pilipinas sa usapin ng digital world.
Binigyang halaga ng presidente ang pagiging high level na ng industriya ng pagbabangko at information and communications technology sa panahong ito kaya naman dapat aniyang samantalahin ang mga benepisyong ibinibigay ng pagiging digital na ng pamamaraan sa maraming bagay.