-- Advertisements --
PBBM SIGNING BUDGET

Walang problema kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag usap kay Ukrainian president Volodymyr Zelensky.

Sa panayam sa pangulong Marcos sa Switzerland, kimumpirma ng pangulo na  natanggap nila ang abisong ito subalit  hindi pa nga lamang nabigyan ng pagkakataon na maitakda ang pag-uusap.

Nagulat na lamang  aniya sila na isiniwalat ito  ng special envoy ng Ukraine sa Malaysia  at sinabing hindi sumasagot ang gobyerno ng pilipinas.

Sa kabila nito, sinabi ng pangulo na nananatiling nasa panig ng kapayapaan ang posisyon ng pilipinas sa usaping ito.

Handa aniyang ibigay ng Pilipinas ang pahayag ng suporta para sa Ukraine kung ito aniya ang sa tingin ni Zelensky ang kailangan niya.

Pero kung ang tatanungin aniya ay ang pagsuporta sa 10-point peace formula  na mungkahi ni Zelensky para tapusin na ang gulo sa Ukraine, hindi aniya maaaring makialam dito ang gobyerno ng pilipinas.

Ayon sa pangulo, tanging ang Ukraine at Russia ang dapat na mag usap hinggil dito, at kung paano nila ito ipatutupad basta ang posisyon ng pilipinas ay susuportahan nito ang anumang hakbang tungo sa kapayapaan, matigil lamang ang patayan at giyera.