-- Advertisements --

Dumating na sa Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pagdalo niya sa 40th at 41st Summits ng Association of Southest Asian Nations (ASEAN).

Lumapag ang sinakyan nitong eroplano dalpmg 6:45 ng gabi oras sa Cambodia mula sa Phom Penh International Airport.

Magaganap ang pagpupulong mula Nobyembre 10 hanggang 13.

Ayon sa pangulo sa umaasa itong magiging produktibo ang pagpupulong niya sa mga ASEAN leaders.

Isa rin na tatalakayin sa nasabing summit ay ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa West Philippine Sea para maibsan ang tensiyon doon.

Kasama rin na tatalakayin ay ang COVID-19 pandemic, political crisis sa Myanmar at ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang pagpupulong ay binubuo ng 10-member ASEAN at China kung saan umaasa si Pangulong Marcos na makausap ang lider ng China.