-- Advertisements --

xmas7

Pinangunahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamahagi ng Christmast gifts sa halos 600 na mga bata sa Kalayaang grounds sa Malacañang.

Ang nasabing gift-giving activity ay simultaneous nationwide isinagawa sa 40 na lokasyon sa bansa na may temang “Balik Sigla, Bigay Saya.”

Sa talumpati ng Pangulo, binati nito ang mga bata ng Merry Christmas.

“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan. This is a very, very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo. Gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Pilipinas ay merong Pasko, may konting party, may konting gift-giving, may konting palaro, at lahat ‘yan,” pahayag ni Pang. Marcos jr.

Nagmistulang entertainment park ang Malacanang grounds dahil sa ibat ibang aktibidad na inihanda para sa mga bata.

Naghandog naman ng kanta ang mga banta na sinabayan ng Pangulo at ng First lady.