Sumang-ayon nang bumaba sa panunungkulan bilang pangulo ng bansang Sri Lanka si President Gotabaya Rajapaksa, ayon kay parliamentary speaker Mahinda Abeywardana.
Ito ay matapos ang ilang buwang pag-aaklas ng mga anti-government protesters na nananawagan para sa kaniyang pagbaba sa pagka-pangulo dahil sa kabiguan umano nito na tugnan ang krisis sa ekonomiya ng kanilang bansa.
Sa isang televised statement ay iniulat ni parliamentary speaker Abeywardana na sinabi ni Rajapaska na bababa ito sa kaniyang tungkulinn sa Hulyo 13 upang matiyak aniya na magiging mapayapa ang transition nito.
Habang tinipon naman ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang iba pang polictical leaders at sinabing handa rin aniya siyang bumaba sa kaniyang pwesto upang magbigay daan sa pagkakaisa sa kanilang pamahalaan at bansa.
Una rito ay napilitan nang umalis sa kaniyang official residence ang Sri Lankan president sa proteksyon ng navy matapos itong lusubin ng mga nagpo-protesta.
Hindi rin nakaligtas ang pribadong tahanan ni Prime Minister Wickremesinghe sa Colombo nang sunugin din nila ito.
Wala namang napaulat na nasaktan mula sa naturang insidente dahil wala sa bahay ang prime minister at pamilya nito noong mga oras na iyon.
Samantala, pansamantala namang mamumuno sa bansa ang speaker ng Sri Lanka habang hindi pa nakakapaghalal ng bagong pinuno ang Parliament ito sa loob ng 30 araw.
Magugunita na ilang buwang nagdusa ang mamamayan ng Sri Lanka dahil sa kakulangan ng mga pangunahing bilihin, pagkawala ng kuryente, at mabilis na inflation matapos na maubusan ng foreign currency ang kanilang bansa para mag-import ng kanilang pangangailangan.