Sinampahan ng kaso ang pangulo at top officer ng real estate investment company dahil sa panloloko ng mahigit 2,000 investors sa US.
Ayon kay US Attorney Philip Sellinger na kanilang kinasuhan sina Thomas Nicholas Salzano,o “Nicholas Salzano,” 64, ng Secaucus, New Jersey, and Rey E. Grabato II, 43-anyos ng Hoboken, New Jersey at naninirahan sa Pilipinas ay kinasuhan ng 18-count ng conspiracy to commit securities fraud, securities fraud, conspiracy to commit wire fraud, wire fraud at conspiracy to defraud the United States.
Habang si Salzano rin ay kinasuhan ng two counts of aggravated identity theft, two counts of tax evasion at five counts of subscribing to false tax returns.
Noong Oktubre 12 ay naaresto si Salzaon habang si Grabato ay nananatiling nakakalaya.
Naghain naman ng guilty plea si Arthur S. Scuttaro, 62, ng Nutley, New Jersey National Realty Investment Advisors LLC (NRIA) at nakatakda ang paglabas ng hatol nito sa Pebrero 23, 2023.
Base sa imbestigasyon na si Grabato ay pangulo ng NRIA habang si Salzano ay chief executive officer mula Pebrero 2018 hanggang Enero 2022.
Nakapag-enganyo ang mga ito ng investors ng NRIA Partners Portfolio Fund 1 LLC isang real estate fund sa ilalim ng operasyon ng NRIA na sinabing mayroong $650 milyon ang kumpanya sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pekeng dokumento.
Nagtulong din ang dalawa para hindi mabayaran ang buwis ng kumpanya na aabot sa $26 milyon kung saan si Grabato ay nagbukas ng mga bank accounts gamit ang mga kahina-hinalang pangalan at mga pekeng dokumento ng kumpanya.
Dahil sa panloloko ukol sa kanilang buwis ay mahaharap ang mga ito ng pagkakakulong ng hanggang limang taon at multa na $250,000.
At ang wire fraud consipiracy ay maaaring maharap ng hanggang limang taon na pagkakakulong at $100,000 na multa.
Sa ibang kaso ay nagsampa ng kaso ang Securities and Exchange Commission sa New Jersey laban kina Salzano, Grabato, Scuttaro at iba dahil sa Ponzi scheme na kanilang ginagawa o pyramidding.