Ipinagtanggol ng tagapagsalita ng pangulo ng Kenyan matapos ang ilang buwang hindi ito nagpapakita sa publiko.

Mula kasi noong ito ay bumiyahe sa China noong Abril ay hindi na nagpakita sa publiko si Kenyan President Uhuru Kenyatta.

Dumalo ang Kenyan President at nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa ikalawang Belt and Road Forum.

Ayon kay Kanze Dena ang tagapagsalita ng pangulo na mayroon itong sariling opisina.

HIndi aniya mahalaga na makita sa publiko ang pangulo basta ginagawa nito ng tama ang kaniyang trabaho.