Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Australian Parliament na magsanib pwersa ang dalawang bansa kasama ang iba pang mga kaalyado para harapin ang banta sa rule of law, stability at kapayapaan sa Indo-Pacific region.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng humarap ito at magsalita sa Australian Parliament kaninang umaga.
Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng Australia dahil isa ito sa dalawang partners na mayruong Visiting Forces Agreement ang Pilipinas at nananatili ang commitment ng Australia sa Asia at Indo-Pacific community.
Ayon sa Pangulo dapat magsanib pwersa ang mga kaalyado sa Indo-Pacific region upang protektahan ang kapayapaan at pigilan ang mga aksiyon na lumalabag sa international laws.
Siniguro naman ni Pang Marcos sa Australian Parliament na kailanman hindi mag-aalinmagan at aatras ang Pilipinas para resolbahin at hindi papayagan ang anumang foreign power na sakupin ang teritoryo ng Pilipinas kahit isang single square inch.
Pagbibigay-diin ng Pangulo na patuloy na nakikipaglaban ang Pilipinas para protektahan ang sovereign rights ng bansa.
Ayon pa sa Presidente hangad ng Pilipinas na maging bukas ang karagatan sa West Philippine Sea upang matiyak ang freedom of navigation.
Dapat din aniyang itaguyod, pangalagaan at ipagtanggol ng mga bansa at kilalanin ang United Nations Convention on the Law of the Sea bilang konstitusyon ng mga karagatan.