-- Advertisements --
health workers

Muling kinilala ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang importanteng kontribusyon ng mga health workers, lalo noong kasagsagan ng mataas na kaso ng COVID-19 at iba pang mga sakit.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na mahalagang maipasa ang Magna Carta for Barangay Health Workers o BHWs na magpapabuti sa kalagayan ng mga ito.

Ayon kay punong ehekutibo, laging maaasahan ang mga BHWs sa mga barangay, lalo na ngayong maraming nagaganap na sakuna.

Ang Magna Carta for Barangay Health Workers ay isa sa mga house bills sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC na nakalusot na sa ikatlong pagbasa sa Kamara.

Sinabi pa ng Presidente na malaki ang naging papel ng mga BHWs noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa pagseserbisyo sa mga komunidad, pagbabahay-bahay, at pagpapasya kung sinu-sino ang mga dapat dalhin sa ospital at isailalim sa isolation.

Umaasa naman si PBBM na walang tututol na mambabatas sa naturang bill.