-- Advertisements --
Lumagda ng ilang malaking deal ang China at Pilipinas sa naging pagdalaw sa bansa ni Vice Premier Hu Chunhua.
Ginanap ang signing matapos ang high-level meeting sa Bureau of Treasury sa Intramuros, Manila, nitong Huwebes.
Mismong si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang humarap sa bumisitang Chinese official.
Kabilang sa tatlong dokumento na napagtibay ang Panay-Guimaras bridge na isang Chinese government grant na may halagang mahigit P20 million.
Inaasahang matatapos ang 19 kilometrong haba ng tulay sa 2023 at magagamit ng mga dating bumabyahe lamang sa pamamagitan ng RORO at iba pang sasakyang pandagat.
Ang kabuuang halaga ng deal na nabuo ng China at Pilipinas ay aabot sa 400 million dollars o P20 billion, kasama na ang loan agreement.