CEBU CITY- Huli sa pamamagitan ng joint operation ng PNP at AFP ang tatlong miyembro ng Communist Party of Philippines-New Peoples Amry (CPP-NPA).
Kinilala ang mga nahuli’ng magkakapatid na sila Jelly Ebedo, Gelie Ebedo at ama nitong si Belly Ebedo.
Naaresto si Jelly sa Brgy. Bumentritt Murcia, habang nahuli naman si Gelie sa Brgy. Singcang, Bacolod City. At ang ama nito ang nahuli sa Sitio Biasong, Brgy. Tayak Siaton NegOr.
May mga warrant of arrest ang tatlo sa kasong murder sa pagpatay sa 4 na pulis sa Sitio Yamut, Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong nakalipas na Hulyo ng nakaraang taon.
Itinuro ng saksi ang mga nahuli na siyang responsable sa pagpatay kay PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon at Pat. Marquino De Leon kung saan tinorture pa umano ito bago pinatay.
Kaugnay nito, ini-utos ni Police Regional Office (PRO-7) Director PBGen Albert Ignatius Ferro sa kanyang mga taohan na mas palakasin pa ang mga programa laban sa community insurgency sa Central Visayas bagay na una na ring ini-utos ni Presidente Rodrigo Duterte.