-- Advertisements --
Quinta trees camsur

NAGA CITY – Umabot sa 202,958 na pamilya ang apektado ng bagyong Quinta kung saan 17,759 na pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers sa Camarines Sur.

Sa pakikipag-usap ng Bombo Radyo Naga kay Melchor Averilla, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), napag-alaman na ilang bayan dito ang hindi pa rin madaanan dahil sa mga naitalang pagbaha at pagguho ng lupa.

Nasa 25 bayan naman ang nagkaroon ng power outage habang anim na bayan din ang nawalan ng supply ng tubig.

Samantala nasa 14 naman na trucks ng food packs ang nakahandang ipamigay ng Provincial Government ng Quezon sa 6,977 families na kasalukuyang nananatili sa evacuation center sa nasabing lalawigan.

Nabatid din na mayroong tatlong mangingisda ang kasalukuyang pinaghahanap sa bahagi ng Quezon at ilang mga cargo vessel din ang na-stranded dahil sa naturang bagyo.

Sa kabila nito, siniguro naman ng mga otoridad na nakahiwalay ang COVID-19 quarantine facilities sa mga pamilyang inilikas dahil kay bagyong Quinta.