-- Advertisements --
pryde teves

Umalma si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves sa pagtukoy sa kanila ng Anti-Terrorism Council bilang mga terorista.

Una rito, sa inilabas na ATC Resolution 43, tahasang binanggit ang mga pangalan nina Rep. Arnulfo Teves, ex-Gov. Pryde Teves, dati nilang bodyguard na si Marvin Miranda at 10 iba pa.

Ayon sa dating gobernador, nalulungkot sila sa development na ito at tiniyak na gagawin ang angkop na legal na hakbang para malinis ang kanilang pangalan.

Sa ngayon, kumukonsulta na umano sila sa kanilang mga abogado para sa susunod na aksyon.

Binigyang diin naman ni Gov. Teves na minsan siyang naging biktima ng terorismo nang may magpasabog sa gusali ng Kamara noong taong 2007, ngunit siya naman ay hindi raw kailanman naging terorista.

Sa ngayon, hindi umano sila nagkakausap ng kaniyang kapatid na si Rep. Arnie, pero inamin nitong tinatawagan siya paminsan-minsan ng suspendidong mambabatas para sa ilang personal concerns.