Tiniyak ngayon ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor) na hindi pababayaan ang pamilya ng limang mga kawani nila na nasawi sa sunog sa Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino sa Maynila.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jimmy Bondoc, vice president for corporate social responsibility group, sinabi nito na agad umanong nagpaluwal nang inisyal na tulong at sariling pera si Pagcor Chairperson Andrea Domingo.

Liban dito ayon kay Bondoc, ang kanyang tanggapan ay magbibigay din ng tig-P100,000 sa bawat pamilya ng mga biktima.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Domingo ang pagbibigay nang mapagkikitaan sa mga kawani na apektado ng naturang trahedya.

Ang mga kuwalipikado namang mga anak ng mga nasawi ay agad ding mabibigyan ng trabaho.

“Malungkot na malungkot ang lahat ngayon. Charity will begin at home, definitely. Hindi magkakaroon ng problema ang mga empleyado regarding sa mga survivors at livelihood at ‘yong pamilya ng mga nasawi hindi sila pababayan,” ani Bondoc.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here