-- Advertisements --

Tinanghal bilang Miss Netherlands beauty pageant ang isang transgender woman na si Rikkie Kolle.

Ang 22-anyos na mula sa bayan ng Breda ay siyang kauna-unahang transgender woman sa kasaysayan ng tournament.

Dahil dito ay makikibahagi siya sa MIss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador.

Sa kaniyang social media account ay ipinagmalaki niya kung ano ang kaniyang tunay na kasarian.

Dagdag pa nito na nais niyang magkaroon ng pagbabago sa society.

Siya ang magiging pangalawang trans Miss Universe contestant na ang una ay si Angela Ponce ng Miss Spain na lumahok noong 2018.