Kinoronahan bilang bagong Miss Philippines-Earth ang kandidata mula Baguio na si Roxie Baeyens.
Nanguna ang Baguio beauty mula sa 32 pang kandidata na sumabak sa virtual coronation ng nasabing pageant sa pamamagitan ng Kapuso Network.
Narito ang kompletong listahan ng bagong batch sa Miss Philippines-Earth 2020:
Miss Philippines-Eco Tourism: Ilyssa Mendoza ng Melbourne, Australia
Miss Philippines-Fire: Shane Tormes ng Atimonan, Quezon
Miss Philippines-Water: GIanna Llanes ng Mandaluyong
Miss Philippines-Air: Patrixia Santos ng Daraga, Albay
Miss Philippines-Earth- Roxanne Allison Baeyen ng Baguio
Una kanina, kabilang sa Top 10 ang South Cotabato, Iloilo, Quezon City, Manila, at GenSan, na pawang sumalang sa unang question and answer portion.
Dito ay naitanong sa Baguio bet ang patungkol sa social distancing.
“I think taking social distancing and taking proper precaution is should still be continued despite us being in GCQ. We are allowed to go back to our jobs not because it is safe but because livelihood is important so let us not put our guards down let’s continue to take cautions and let’s work in solidarity to put an end to this pandemic,” ang naging tugon nito.
Ipinakita rin muli ang pagrampa ng 33 candidates sa kani-kanilang swimsuit attire noong pre-pageant activity.
Habang sa evening gown naman ay yaong mga napabilang sa Top 10.
Samantala, nag-showdown sa pangalawang interview portion ang Top 5 na siyang pinagbasehan ng limang title.
Sa final question and answer, iisa lamang ang naging katanungan: “What important quality should a leader display amidst a pandemic?”
“A leader should display having a green thumb because at this point in time we have a shortage in food supply so it’s important to open the eyes of people to embrace having a sustainable life to start urban agriculture at their own homes after all a green life is a better life and I hope the leader will give that to us,” ang winning answer ni Baeyens.
Tatangkaing maibigay ni Baeyens ang panglimang Miss Earth crown sa bansa.
Noong nakaraang taon, nasungkit ni Janelle Tee ng Pasig ang Top 20 finish.
Kabilang sa mga Pinay na nagwaging Miss Earth ay sina Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angelia Ong noong 2015, at Karen Ibasco noong 2017.