-- Advertisements --

Inaanunsyo ngayon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-7) Regional Director Eduardo Montealto na magpapatupad ng pagtaas sa pamasahe ang mga pampasaherong bus sa pagbabalik-biyahe ng mga ito.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa pagpapatupad ng social distancing.

Ani Montealto na kalahati lang sa seating capacity ang maaaring papayagang makasakay kaya tinaasan ang pamasahe.

Sa dating P9.00 na minimum ng non-aircon na bus, magiging P11.00 pesos na ito at P1.75 naman ang idadagdag sa bawat kilometrong biyahe nito.

Habang ang mga aircondition na mga bus na dating P11.00 ang pamasahe, magiging P13.00 na at P2.50 sa bawat kilometro ng pagbiyahe.

Samantala, dahil sa pag-extend ng enhance community quarantine(ECQ) sa lungsod ng Cebu at Mandaue, ang mga sasakyang nagmula sa norteng bahagi ng Cebu ay hanggang sa lungsod lang ng Consolacion.