(Update) BACOLOD CITY – Kinumpirma ng mga pulis na isa ang pamangkin ng pinatay na retired teacher sa Himamaylan City, Negros Occidental sa mga persons of interest sa nabanggit na krimen.

Nabatid na naaagnas na ang bangkay ni Sharon Fejidero nang matagpuan ito ng mga pulis sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 4.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Lt. Col. Glenn Provido, hepe ng Himamaylan City Police Station, inihayag nitong inimbitahan para sa questioning ang hindi pa pinangalanang pamangkin ni Fejidero.

Ang pamangkin umano ay nagtratrabaho rin sa bahay ng biktima at nakasuhan din noon ng pagnanakaw.

Sa ngayon, nakuhaan na ng fingerprints ang pamangkin upang masuri ng mga otoridad.