-- Advertisements --
Mayroong hanggang Hunyo 30 ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney.
Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano na apat na beses na nila ng napagbigyan ang mga operators na magbuo ng kanilang kooperatiba bilang bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng modernized jeepneys.
Dagdag pa nito na magiging exempted lamang ang ilang mga traditional jeepney operators na kasalukuyan ng inaayos ang kanilang membership sa mga kooperatiba.
Binigyan ng LTFRB ng hanggang Disyembre ang mga operators ng traditional jeepneys na matapos ang kanilang pakikipag-membership sa mga kooperatiba.
Pagtitiyak din ni Bolano na kanilang tutugunan ang problema sa kakulangan ng masasakyan kapag tuluyan ng matanggal ang mga tradisyunal na mga jeepneys.