Plano ng Department of Agriculture(DA) na magbigay ng vouchers para sa mga magsasaka para sa pagbili ng kanilang gustong brand ng biofertilizers sa susunod na taon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, plano munang i-promote ang paggamit ng biofertilizers at pagbili nito para ngayong taon saka isusunod ang pagbibigay ng vouchers sa mga magsasaka na kanilang ipapalit sa kanilang gustong biofertilizer.
Una ng inirekomenda ni Senator Imee marcos ang pamamahagi ng cash vouchers para sa mga magsasaka kasabay ng babala nito ng panibgong fund scam.
Sa inisyung Memorandum Order No. 32 sa paggamit ng biofertilizers, sinabi ni Sebastian na magsisilbing gabay ito para sa regional offices sa distribusyon at paggamit nito para sa pagpapataas ng ani at masaganang produksiyon ng bigas.
Nang matanong naman kung kailan ang full implemetation o ganap na maipapatupad ang programa, sinabi ni Sebastian nakikitang mas maganda ang performance ng biofertilizers kapag tag-araw o sa Oktubre kayat posibleng magsisimula sa Nobiyembre ang programa ng large scale ng biofertilizer.
Hiniling na rin ni DA sa Kongreso ang paglalaan ng P1.9 billion para sa implementasyon ng biofertilizers sa susunod na taon.