-- Advertisements --

Naninwala ang Palasyo na makakamit nila ang pag-imprinta ng 30.1 milyon na national identification cards.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nailipat na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang nasa 17.6 milyon na national ID cards sa Philippine Postal Corp. para maideliver sa mga aplikante noong Agosto 23.

Tumaas rin ang bilang ng mga naiimprinta nila na aabot ngayon sa 103,000 kada araw.

Target kasi ng gobyerno na maipamahagi ang nasa 92 milyon na national ID sa kalagitnaan ng 2023.