-- Advertisements --
Natapos na ng Lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng financial assistance sa kanilang mamamayan.
Mayroong mahigit P1,523,280 sa kabuuang 380,820 pamilya.
Bukod sa mga low-income na pamilya sa anim na distrito ng Maynila ay namahagi rin sila ng 10,256 pamilya sa mga transport group at 1,346 na pamilya na galing sa vulnerable sectors.
Sinabi ni Social Welfare Director Re Fugoso na bawat pamilya ay mayroong natanggap na P4,000.
Magugunitang pinalawig ng hanggang Agosto 31 ang pamamahagi ng ayuda sa naunang ipinatupad na Enhanced community quarantine mula Agosto 6-20.