-- Advertisements --

Naka-standy daw ang ilang ahensiya ng pamahalaan kasunod ng phreatic eruption ng bulkang Bulusan.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang lahat daw ng concerned agencies naka-standby 24/7 matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 ang Bulusan.

Sa ilalim ng Alert Level 1 ay mayroong low level ng volcanic unrest.

Mayroon ding bahagyang pagdami ng volcanic earthquakes at steam o gas activity, sporadic explosions mula sa dati at bagong vents.

“We remind the public, particularly the residents of surrounding areas to be vigilant, monitor any development regarding the volcano’s condition, and cooperate with local authorities,” anang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ang bulkang Bulusan ay nag-alburuto dakong alas-10:37 kaninang umaga at nagtagal ito ng 17 minuto.

Apat na barangay naman sa Irosin, Sorsogon ang binalot ng ashfall habang 800 na pamilya sa barangay Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo ang apektado.