Nakuha ng Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport sa Georgia ang titulo bilang world’s busiest airport.
Ito ay base sa inilabas na listahan ng Airports Council International.
Noong nakaraang 2020 kasi ay nasa pangalawang puwesto na ang nasabing paliparan dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan nanguna ang Guangzhou Baiyun International Airport in China.
Pinutol ng nasabing paliparan sa China ang 22-taon na paghawak ng paliparan sa Georgia ng nasabing record.
Noong 2021 kasi ay pumalo sa 75.7 milyon ang pasahero ang naitala na mayroong 76% ang pagtaas kumpara noong 2020.
Dinomina ng mga paliparan sa US ang top 10 kung saan pumangalawa ang Dallas/Forth Worth International Airport sa Texas bilang ikalawang-busiest noong 2021 na mayroong naitalang mahigit 62.1 milyon na pasahero at pumangatlo ang International airport sa Denver sa Colorado na mayroong 58.8 milyon na pasahero ang naitala.
Bumagsak naman sa pang-walong puwesto ang Guangzhou Baiyun International Airport in China.