-- Advertisements --

palawan 1

Tinutukoy na ng mga otoridad kung sino ang mga armadong indibidwal na nagpaulan ng bala sa patrol car ng Dumaran Municipal Police Station sa Taytay, Palawan, kaninang umaga.

Sakay sa nasabing mobile patrol si Dumaran Municipal Police Station acting Chief of Police, P/Cpt. Erwin Hernandez Carandang at P/Cpl. Mark Russel Soniel Evangelista na siyang driver ng sasakyan.

Sa report na inilabas ni Police Regional Office (PRO)-4-B Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) spokesperson P/Lt.Col. Imelda Vasquez, iniulat ng Taytay Municipal Police Station sa pamamagitan ni Maj. Analyn Palma ang insidente.

Patungo sana si Capt. Carandang sa Roxas, Palawan, para sa official mission nang bigla na lamang silang binaril.

Suwerte namang walang naiulat na nasagutan o nasawi sa pamamaril.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.