-- Advertisements --

Hinikayat ng Malacañang ang mga pinalayang convicted criminal sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi pa rin sumusuko kahit nagpaso na ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang manlaban sakaling arestuhin sila ng mga otoridad.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay para hindi na sila malagay sa panganib.

Umiiral aniya ang direktiba ni Pangulong Duterte na gumawa ng nararapat na aksyon kung manlaban ang mga inaarestong convict dahil ayaw mabalik sa Bilibid.

Dahil paso na ang itinakdang deadline ni Pangulong Duterte kahapon, Setyembre 19, maaari na umanong magpatupad ng warrantless arrest ang mga otoridad.

Kung makita naman daw sa record na kuwalipikado sa GCTA ang preso, palalayain din sila agad.