Hindi sang-ayon si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa planong dagdag buwis sa mga bigas na galing sa ibang bansa.

Ito ay para maprotektahan ang mga lokal na industriya ng bigas dahil sa pagdagsa ng mga imported rice sa bansa.

Pinayuhan niya na rin si Department of Agriculture Secretary William Dar tungkol sa nasabing usapin.

Isa sa nasabing usapin ang kanilang tatalakayin sa gagawing Economic Development Cluster (EDC) ngayong araw.