Itinanggi ng Malacañang na palpak ang ipinapatupad na enhanced community quarantined dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng kumpirmadong coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ay dahil sa maraming mga tao na ang nasusuri.

Sakaling hindi naipatupad ang enhance community quarantine ay magiging mabagal ang bilang ng mga nakukumpirmang nadapuan ng virus.

Magugunitang umani ng batikos ang gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng virus sa bansa.