-- Advertisements --
NAGA CITY – Kinansela na ang Palarong Panlungsod sa Naga City na nagsimula nitong Miyerkules at matatapos sana bukas, Nobyembre 15.
Sa ipinaabot na impormasyon ni Department of Education (DepEd)-Naga Schools Division Supt. Manny de Guzman, sinabi nito na dahil sa epekto ng Bagyong Ramon kung kaya pansamantala muna nilang ikakansela ang Palaro.
Una rito, kinansela na rin ng DepEd Camarines Sur an Palarong Panlalawigan na nagsimula rin kahapon.
An nasabing hakban ng DepEd ay para maiwasan ang anumang aksidente dahil sa nararanasaang sama ng panahon sa lalawigan na nananatili parin sa signal number 1.