Kinansela na ng Philippine Airlines (PAL) ang lahat ng kanilang domestic filghts bilang bahagi ng pakikiisa sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Ayon sa PAL, na epektibo agad ang nasabing kautusan na magtatapos hanggang Abril 12.

Paglilinaw naman nila na patuloy pa rin ang kanilang International flights ng hanggang madaling araw ng Marso 20, 2020.

Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng travel restrictions na ipinapatupad ng gobyerno.