Patuloy na umaani ng pakikiramay mula sa kaniyang fans worldwide ang mga naulila ng country music singer na si Kenny Rogers, makaraang pumanaw ito sa edad na 81.

Nabatid na binawian ng buhay ang music icon bandang alas-10:25 ng gabi oras sa Estados Unidos.

Nilinaw ng pamilya nito na hindi COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng singer kundi natural na dahilan lamang at mga dating iniinda nitong karamdaman.

Hindi pa naglalabas ng abiso ang pamilya nito ukol sa detalye ng magiging burol at libing.

Ilan sa mga awiting pinasikat ni Rogers ay ang “The Gambler,” “Lady,” at “Through the Years.”