Buhos ngayon ang pakikidalamhati ng mga kaibigan at fans ng aktor na si Mico Palanca, makaraang bawian ito ng buhay sa edad na 41.

Marami ang nagulat, lalo’t wala namang mga impormasyon dati na may iniindang sakit ang aktor.

Unang lumabas ang balitang namayapa na si Mico dahil sa isang social media post na nagmula sa Film Academy of the Philippines (FAP).

Hindi naman naglalabas ng detalye ukol sa pagpanaw ni Mico ang kaniyang pamilya.

Ang namayapang aktor ay nakababatang kapatid ng isa pang movie actor na si Bernard Palanca.