Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pag-alala sa pagpanaw ng Filipino basketball legend na si Samboy Lim sa edad na 61.
Nagkaisa ang National Collegiat Athletic Association (NCAA), Colegio de San Juan Letran at Philippine Basketball Association sa pakikidalamhati sa mga fans ng pumanaw na si Avelino ‘Samboy’ Lim.
Nagsimula si Lim sa NCAA kung saan sinabi ni Management Committee chairman Paul Supan na isang exemplary athlete si Lim noong ito ay naglaro sa NCAA hanggang sa mapunta sa national team at maging professional player.
Naglaro si Lim sa Colegio de San Juan de Letran Knights kung saan kasama ito ng magwagi ng kampeonato ang koponan ng tatlong sunod mula 1982 hanggang 1984 at nakuha rin nito ang Most Valuable Player award.
Bago naging player ng Knights ay naglaro ito sa San Beda high school.
Matapos ang paglalaro sa Letran ay kinuha ito agad ng San Miguel Beermen sa PBA kung saan dahil sa pagiging 6-foot high flyer ay naging legend na ito.
Ayon sa PBA na labis sila ng nalungkot sa pagkamatay ng tinaguriang Skywalker ng PBA.
Naging nine-time PBA champion ang Beermen kasama ang Grand Slam noong 1989.
Kabilang din si Lim sa national team kung saan nakakuha ng gold medal ang bansa noong 1983 at 1985 SEA Games.
Kasama rin si Lim sa 1985 basketball team ng bansa ng magwagi sila ng gintong medalya sa FIBA Asia championship sa Malaysia.