-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni Pope Francis matapos dapuan ng sipon.
Dahil dito ay naging limitado ang kaniyang talumpati sa weekly audience sa St. Peter’s Square kung saan ipinaubaya na nito sa kaniyang aide ang pagbabasa ng nasabing speech.
Sinabi mismo ng Santo Papa sa audience na ito ay ang may sipon ay nahihirapan na magbasa.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay dinapuan na ng trangkaso ang 87-anyos na Santo Papa kaya limitado na ang kaniyang pakikipagsalamuha sa tao.
Pagtitiyak naman ng Vatican na babalik sa pakikisalamuha sa mga tao ang Santo Papa kapag bumuti ng tuluyan ang kalusugan nito.