Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga mamamayan na makibahagi sa global Earth Hour na magsisimula ganap na alas-8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, na sabay-sabay na patayin ng mga mamamayan ang mga ilaw at mga di kuryenteng appliance sa loob ng isang araw.
Patuloy din aniya gawin ito araw-araw kahit na hindi Earth Hour bilang tulong na rin sa kalikasan.
Bukod sa nakakatipid ang konsumo ng kuryente ay nakakabawas din ng pagbuga ng cabon dioxide at fossil fuel na nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan.
Ipinapanukala din nito ang paglipat ng renewable source ng energy gaya ng solar technology at paggamit ng light-emitting diode o LED light bulbs na nagbibigay ng kaunting power kumpara sa incandescent at fluorescent lights.
Nagsimula ang Earth Hour o sabay-sabay na pagpapatay ng ilaw sa Australia noong 2007 at pagkatapos ng isang taon ay nakibahagi ang Pilipinas at maraming bansa bilang pagtulong sa kalikasan.
Dahil sa COVID-19 pandemic ay hinikayat ng World Wide Fund for Nature -Philippines na makibahagi na lamang sila sa mga programang gagawin ngayon araw sa kanilang mga social media pages.
Ilan sa mga dito ay ang Wildlife conservation, pagtalakay sa problema sa mga plastic at ang countdown sa Earth Hour.
Kabilang sa mga celebrities na nanghikayat sa pakikbahagi sa Earth hour ay si Miss Universe Pia Wurtzbach, KC Concepcion at maraming iba pa.