-- Advertisements --

Kaagad na tuturukan ng COVID (Coronavirus Disease) vaccines ang mga menor de edad sa Amerika sa oras na maaprubahan na ito ng mga otoridad.

Ayon kay US President Joe Biden, posibleng sa susunod na linggo ay maaprubahan na ang panukalang pagpapabakuna sa mga nasa 12 hanggang 15-anyos.

Lumabas kasi sa bagong pag-aaral sa US na ang 22% sa bagong kaso ng COVID kada araw ay binubuo ng mga kabataan, na mas mataas ng 3 percent kompara noong nakaraang taon.

Ipinahayag din ni Biden na madali nang ma-access ang pagpapabakuna at ang pagbibigay ng incentives sa mga grupo na nag-aalinlangang magpaturok ng COVID vaccine.