Tokyo Olympics 2020
Tokyo Olympics 2020

Inalmahan ng maraming Olympic sports leaders ang ginagawang pagbabawas ng pondo ng Tokyo Games organizers.

Ilan sa mga inirereklamo ay ang pagkakaroon ng murang mga lugar na pagtitirhan ng mga kalahok.

Nais panatilihin ng Tokyo Olympic committee ang $5.6 billion na budget.

Ayon pa sa ibang mga sports organization, may pagkakaiba sa buong 33 sports event ng Olympics.

Nauna rito, ipinahayag ng Tokyo sports director na naging mahigpit sila sa paglabas ng pera at ayaw nilang maging magastos ang nasabing pinakamalaking sporting event sa buong mundo.