Aprubado na ng Kamara ang panukalang batas na magtayo ng specialty center sa mga pagamutan na pinapatakbo ng Department of Health (DOH).
Ang House Bill 7751 ay nakakuha ng 256 na boto na pumabor mula sa mga mambabatas na ipinagtibay sa kanilang sesyon nito ng araw ng Lunes.
Sa nasabing panukalang batas ay magtatatag ang DOH ng mga centers sa mga 17 specialties gaya ng cancer care, brain at spine care, renal care and kidney transplant, trauma care, infectious disease and tropical medicine, mental health, at geriatric care.
Itatayo ang mga specialty center sa mga Level 3 o apex o end-referral hospital na pinangangasiwaan ng DOH.
Mangunguna ang mga specialty hospitals gaya ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center at ang Philippine Cancer Center sa pagbuo ng mga polisiya sa operasyon ng naturang mga centers.